SINO NGA BA SI JUAN?

An article dedicated to my fellow kababayans in Marinduque – inspired by the long history of political dynasty and corruption in the province


Ito si Juan.

Kilala bilang isang masugid na tagasubaybay ng mga isyung pulitikal sa kaniyang Inang lalawigan ng MARINDUQUE, hindi niya pinalalampas ang anumang bagay na patungkol sa mga naglalakihang angkan ng dugong buwaya este maharlika sa kaniyang bayan; ang mga YESER, ZORACEL, MARSIENTO at marami pang iba.

Sa kaniyang murang edad, namulat siya sa mapang-aliping angkan na nakaluklok sa pedestal ng kapitolyo at ilang dekada nang nanunungkulan – ang mga lahing YESER.  Ayon sa kasaysayan, bago pa man marating ng mga YESER ang tugatog ng tagumpay , mahigpit nilang kinalaban ang angkan ng mga ZORACEL na kilalang matalik na katunggali ng nauna. Kilala din ang mga ZORACEL bilang  lipi ng mga mandirigma, armado at mahusay sa ‘pangangayaw’ (pangangayaw ng mga balota tuwing eleksyon).

Samantalang  ang ikatlong angkan sa pamumuno ni Don MARCIENTO ay ilang henerasyon nang nanunungkulan sa isa sa anim na bayan na nasasakupan ng mga YESER. Bagama’t walang intensyon ang mga MARCIENTO na maupo sa trono ng kapitolyo, sila ay kilala naman sa pagkakaroon ng “mahabang buhay” kung kaya’t ang isang bayan ay sapat na para sa kanila upang maghari sa loob ng isang siglo. Continue reading “SINO NGA BA SI JUAN?”

Advertisements