Graduation Speech (Filipino)

Sa atin pong panauhing pandangal at tagapagsalita, sa ating Schools Division Superintendent o kaniyang kinatawan, District Supervisor, sa ating punong-guro, sa lahat po ng aming minamahal na mga magulang na naririto, sa ating mga panauhin, mga guro at sa inyo, mga kapwa ko magsisipagpagtapos, isang makabuluhan at mapagpalang hapon po sa inyong lahat. Welcome to the 2015 44th Commencement Exercises.

Mag-aapat na taon na po nang magsimula akong maglabas-masok sa paaralang ito. Noong una’y naging mahirap po para sa akin na harapin ang mga hamon sa pag-aaral. Hindi po ganoon kadali ang mapabilang sa isang pangkat na itinuturing ng marami na nangunguna– Ang Special Science Class. Dito ko po naranasan ang tunay na pressure sa pag-aaral kung saan makailang ulit  ko na pong binalak sumuko at huwag ng magpatuloy sa landas na aming tinahak. Ngunit, dahil po sa aking mga magulang na inspirasyon ko po sa pag-aaral, nabuo po ang aking determinasyon na magpatuloy at magkaroon ng karunungan na tanging maipamamana po nila sa akin. Taos-puso po ang aking pasasalamat sa aking mga magulang na laging sumusuporta sa aking mga pangangailangan, sa araw-araw po ninyong pagtatrabaho, hindi po alintana ang pagod sa pagtitinda ng isda at pagkakarpintero. Ni minsa’y hindi ikinahiya ang pagtitinda ng isda at ipinagsisigawan ko po na dahil po dito, ako ngayo’y magtatapos. Marahil, ang salitang salamat ay kulang na kulang sa lahat po ng kanilang pagsisikap upang itaguyod ang aming pag-aaral. Maraming salamat po sa pagmamahal, salamat po sa suporta at pag-aaruga. Kayo po ang aking inspirasyon sa pag-aaral. At ang karangalan at tagumpay ko pong ito’y sa inyo ko po iniaalay.  Sa lahat din po ng mga magulang na naririto, maraming salamat po. Continue reading “Graduation Speech (Filipino)”

Advertisements